News

Estrada ‘not guilty’ plea ipinasok ng Sandiganbayan

Tumangging maghain ng plea na “hindi nagkasala” si Senator Jinggoy Estrada sa kinakaharap niyang kasong plunder at graft kaugnay ng umano’y P573.75 milyong kickback sa mga flood control at infrastructure projects nang…

· 2 min read

Estrada ‘not guilty’ plea ipinasok ng Sandiganbayan

Tumangging maghain ng plea na “hindi nagkasala” si Senator Jinggoy Estrada sa kinakaharap niyang kasong plunder at graft kaugnay ng umano’y P573.75 milyong kickback sa mga flood control at infrastructure projects nang humarap siya sa Sandiganbayan Fifth Division noong Huwebes, Ika-3 ng Setyembre.

“We are studying our options with respect to the order of the court. We will pursue our remedies against that amendment because there has been a substantial change in the theory of the government which, in part, affects our overall defense strategy,” pahayag ni Atty. Laurence Arroyo, abogado ni Estrada.

Agad namang nagpasok ng “not guilty” plea na pahayag nang korte para sa senador matapos tumanggi itong maghain ng sariling salaysay dahil nais ng kanyang kampo na kuwestiyunin ang desisyon ng korte na nagbigay-daan sa pag-amyenda ng impormasyon upang maalis si dating Public Works Secretary Manuel Bonoan bilang kapwa akusado sa kaso.

Kabilang sa mga alegasyon laban kay Estrada ang umano’y pagtanggap ng kickback kaugnay ng mga proyektong pang-infrastructure at flood control projects.

Batay sa Office of the Ombudsman, umabot sa ₱573.75 milyon ang umano’y kabuuang iligal na bayad  na sistematikong naihatid kay Estrada.

Nag-ugat umano ang halaga sa mga alegasyong may illegal budgetary insertions at project allocations sa Department of Public Works and Highways (DPWH) infrastructure portfolio para sa 2025. 

Kabilang sa mga proyektong iniugnay sa kaso ang mga flood control at pang-imprastraktura sa National Capital Region, Bulacan at Occidental Mindoro.

Kaugnay nito, hindi pinagbigyan ng Sandiganbayan ang hiling ni Estrada na agad itakda ang piyansa para sa kasong plunder.

Sa ilalim ng batas, hindi awtomatikong maaaring makapagpiyansa ang isang akusado sa kasong may parusang reclusion perpetua o habang buhay ma pagkakakulong kapag matibay ang ebidensya ng pagkakasala. 

Dahil dito, kailangan munang magsagawa ng pagdinig ukol sa piyanaa upang matukoy ng korte kung malakas ang ebidensya laban kay Estrada. 

Kung mapatunayang hindi malakas ang ebidensya, saka maaaring payagan ang piyansa at itakda ang halaga nito.

Samantala, nanatili si Estrada sa kustodiya habang nagpapatuloy ang paglilitis sa kanyang mga kaso. 

Humarap din noong Huwebes ang senador sa Sandiganbayan na gumagamit ng saklay dulot ng iniinda niyang kodisyon sa tuhod.

How did this story make you feel?

Be the first to react · no sign-in needed

Comments

Be civil. Read the Comment Guidelines.

Comments are reviewed by moderators. No account needed for now; sign-in arrives with the reader accounts update.

Loading comments…

More from News

Labi ng nawawalang pasahero sa Tarlac, natagpuan sa Lingayen

Doreen P. Cabildo · Sep 2, 2026 · 1 min

Romualdez arrested over ₱7.44-B plunder case

Juan Rafael Bautista · Sep 8, 2026 · 2 min

Filipino

Zero budget sa pag-hire ng guro, isiniwalat ng DepEd

Jon Jedwin Pineda · Sep 9, 2026 · 1 min

Email news

Get the stories that matter, straight to your inbox.

Breaking news, a daily digest at 7:00 AM, or a Sunday round-up. English, Filipino, or both. Unsubscribe anytime.