News

Labi ng nawawalang pasahero sa Tarlac, natagpuan sa Lingayen

Natagpuan sa karagatan ng Lingayen, Pangasinan ang labi ng isa sa apat na indibidwal na nawawala matapos gumuho ang bahagi ng Agana Bridge sa Tarlac City noong Sabado. Kinilala ang biktima na si James Patrick Taborlupa…

· 1 min read

Labi ng nawawalang pasahero sa Tarlac, natagpuan sa Lingayen

Natagpuan sa karagatan ng Lingayen, Pangasinan ang labi ng isa sa apat na indibidwal na nawawala matapos gumuho ang bahagi ng Agana Bridge sa Tarlac City noong Sabado.

Kinilala ang biktima na si James Patrick Taborlupa, na natagpuan noong Lunes ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa katubigan ng Barangay Carael, Lingayen.

Namataan ng operator ng isang de-motor na bangka ang labi ni Taborlupa sa karagatan ng Barangay Pugaro, na positibong kinilala ng kanyang pamilya.

Kinumpirma ni Tarlac City Mayor Susan Yap na kabilang si Taborlupa sa mga pasahero ng Toyota Avanza na nahulog sa ilog nang gumuho ang bahagi ng Agana Bridge sa Barangay Tibag.

Patuloy namang hinahanap ng mga awtoridad ang tatlo pang pasahero na sina Paul Harvey Collado, Shiela Mae Taborlupa, at Shanen Tuhao.

Nailigtas naman ang isa pang pasahero ng sasakyan na si Nathaniel Dizon noong Sabado ng gabi.

How did this story make you feel?

Be the first to react · no sign-in needed

Comments

Be civil. Read the Comment Guidelines.

Comments are reviewed by moderators. No account needed for now; sign-in arrives with the reader accounts update.

Loading comments…

More from News

Filipino

Estrada ‘not guilty’ plea ipinasok ng Sandiganbayan

Arienda, Princess Rose S. · Sep 4, 2026 · 2 min

Romualdez arrested over ₱7.44-B plunder case

Juan Rafael Bautista · Sep 8, 2026 · 2 min

Filipino

Zero budget sa pag-hire ng guro, isiniwalat ng DepEd

Jon Jedwin Pineda · Sep 9, 2026 · 1 min

Email news

Get the stories that matter, straight to your inbox.

Breaking news, a daily digest at 7:00 AM, or a Sunday round-up. English, Filipino, or both. Unsubscribe anytime.