News

Pope Leo XIV, magiging bukas sa LGBTQ community

Ninais ni Pope Leo XIV na ipagpatuloy ang ‘Pope Francis approach’ na pagiging bukas sa mga miyembro ng LGBTQ community, matapos ang 30-minutong private audience kasama si Fr. James Martin, SJ ng Amerika noong ika-1 ng…

· 1 min read

Pope Leo XIV, magiging bukas sa LGBTQ community
Ninais ni Pope Leo XIV na ipagpatuloy ang ‘Pope Francis approach’ na pagiging bukas sa mga miyembro ng LGBTQ community, matapos ang 30-minutong private audience kasama si Fr. James Martin, SJ ng Amerika noong ika-1 ng Setyembre sa Vatican City. Saad ng pari, naging ‘warm, welcoming and relaxed’ daw ang naganap na private audience bago ang kaniyang paglahok sa isang pilgrimage kasama ang ilang miyembro ng LGBTQ bilang bahagi ng kanilang Jubilee celebration. “The message I got from Pope Leo was that he intends to continue Pope Francis’s approach of openness to LGBTQ people,” ani Fr. Martin. Dagdag pa niya, hindi niya raw nabanggit sa Santo Papa ang paksa—bagay na hindi niya pa napag-uusapan sa publiko magmula nang magsimula ang kaniyang papacy noong Mayo 8. “But he spoke about his desire to continue Francis’s legacy, which also includes synodality. And synodality means listening to people, listening to everybody, including LGBTQ people,” pahayag ni Fr. Martin. Samantala, matatandaang umani ng samu’t saring reaksyon ang dating Santo Papa noong 2023 dahil sa pagpayag na bigyan ng basbas ang mga same-sex couples. Sa 12 taon ni Pope Francis, nanawagan siyang magkaroon ng simbahang bukas para sa lahat, kabilang ang mga kasapi ng LGBTQ community, nang walang binabago at nilalabag sa doktrina ng simbahan.

How did this story make you feel?

Be the first to react · no sign-in needed

Comments

Be civil. Read the Comment Guidelines.

Comments are reviewed by moderators. No account needed for now; sign-in arrives with the reader accounts update.

Loading comments…

More from News

CHED eyes P13B boost for 2026 funds

Almira Cereno · Sep 3, 2025 · 1 min

Email news

Get the stories that matter, straight to your inbox.

Breaking news, a daily digest at 7:00 AM, or a Sunday round-up. English, Filipino, or both. Unsubscribe anytime.