News
Sec. Dizon, ipinag-utos ang malawakang courtesy resignation sa DPWH
Agad na nagpatupad si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ng malawakang courtesy resignation sa buong ahensya matapos manumpa bilang bagong kalihim nitong ika-1 ng Setyembre sa…
· 1 min read

–views
18.4
Agad na nagpatupad si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ng malawakang courtesy resignation sa buong ahensya matapos manumpa bilang bagong kalihim nitong ika-1 ng Setyembre sa Malacañang Palace.
Pahayag ng kalihim sa press conference ng palasyo, alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na linisin at tanggalin ang mga korap na opisyal ng ahensya mula sa mga undersecretary hanggang sa mga district engineer ng buong bansa.
“Kailangan siyang gawin kasi nakita ng Pangulo, nakita nating lahat ang nangyari sa ahensyang ito,” ani Sec. Dizon.
Ayon sa kaniya, magpapatupad siya ng “lifetime blocklisting ban” sa oras na mapatunayang sangkot sa “ghost” at substandard na proyekto ang mga contractor.
“Wala na itong prose-proseso, wala ng imbestigasyon, automatic, blacklisted for life ang contractor na ‘yan. May kaakibat na kaso ‘yan. Lahat ng ating makukuha ay ipapasa natin sa independent commission na itatayo ng ating Pangulo,” dagdag pa niya.
Nitong huling araw lamang ng Agosto, itinalaga si Dizon bilang bagong kalihim ng DPWH matapos magbitiw sa pwesto si former Sec. Manuel Bonoan, upang panagutan ang iba’t ibang anomalya at korapsiyon ng ahensya.
Bago maging DPWH Secretary, nagsilbi si Sec. Dizon bilang kalihim ng Department of Transport (DOTr) kung saan umani siya ng magagandang reaksyon mula sa netizens dahil sa mga proyekto kagaya ng discounted beep cards at card payment sa Manila Metro Rail Transit (MRT), na pinaniniwalaang malaking tulong at ginhawa para sa mga pasahero.
via Kian Gabriel Managbanag, Insight PH
How did this story make you feel?
Be the first to react · no sign-in needed
More from News
Pasay police confirms robbery-rape suspect surrenders after partner’s intervention
Jasmine Danica Batoctoy · Sep 1, 2025 · 1 min
DILG chief admits delay in class, gov’t work suspension
Fritz Nicolai R. Rodriguez · Sep 1, 2025 · 1 min
War on Drugs, War on Justice?: ICC sets schedule of hearing for Duterte’s case this September
Jasmine Danica Batoctoy · Sep 1, 2025 · 2 min
Yemen’s Houthi rebels storms UN premises, detain at least 11 staff
Ken Jansen Vinuya · Sep 1, 2025 · 1 min
Email news
Get the stories that matter, straight to your inbox.
Breaking news, a daily digest at 7:00 AM, or a Sunday round-up. English, Filipino, or both. Unsubscribe anytime.





Comments
Be civil. Read the Comment Guidelines.
Loading comments…