News

Marcos, minamata ang AI sa pagbuo ng batas

‎Inihayag ni Pangulong Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. na pabor siya sa pagpapalakas ng paggamit ng Artificial Intelligence (AI) sa ikauunlad ng bansa, maging sa pagbuo ng batas. ‎ ‎Ito’y kaniyang sinabi sa Part 1 ng…

· 1 min read

Marcos, minamata ang AI sa pagbuo ng batas

‎Inihayag ni Pangulong Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. na pabor siya sa pagpapalakas ng paggamit ng Artificial Intelligence (AI) sa ikauunlad ng bansa, maging sa pagbuo ng batas.

‎Ito’y kaniyang sinabi sa Part 1 ng BBM Podcast Episode 6 na ipinalabas nitong Martes, ika-9 ng Disyembre kung saan tinanong siya kung magpapatupad ba ang gobyerno ng mga regulasyon sa paggamit ng AI.

‎“We’re talking about that because people keep saying that no matter what we do, it will always be there—it’s no longer going away—AI is already here. It will only continue to grow and expand,” sambit ni Marcos.

‎“Legislation is always years behind technology. And the reason is, generally, legislators do not immediately understand technology," dagdag niya.

‎Idiniin pa niya na dapat sulitin ng Pilipinas ang mga benepisyo ng artificial intelligence, ngunit dapat ring maging maingat ang mga gumagamit sa posibleng maling paggamit nito.

‎“What's the best way for the Philippines to take full advantage, to maximize the use of AI… The other side of the equation is: what are the things na kailangan bantayan natin,” paliwanag ng pangulo.

‎Binigyang-pansin niya rin ang kahalagahan ng pagbabantay laban sa 'fake news' at disinformation.

‎Sa kabilang banda, matatandaang binanggit ni Marcos nakaraang buwan na hinihimay ng pamahalaan ang paggamit ng AI sa pagpapatupad ng mga flood control projects para ito’y masubaybayan at matukoy ang iregularidad.

How did this story make you feel?

Be the first to react · no sign-in needed

Comments

Be civil. Read the Comment Guidelines.

Comments are reviewed by moderators. No account needed for now; sign-in arrives with the reader accounts update.

Loading comments…

More from News

Tinio Slams Paolo Duterte’s Extended Overseas Trip

Steven Bryle Tumandan · Dec 11, 2025 · 1 min

Padilla urges Dela Rosa to reject ICC arrest

Steven Bryle Tumandan · Dec 9, 2025 · 1 min

Email news

Get the stories that matter, straight to your inbox.

Breaking news, a daily digest at 7:00 AM, or a Sunday round-up. English, Filipino, or both. Unsubscribe anytime.