Sports

Foxies nilaglag Chameleons; kinubra makasaysayang PVL semis tiket

Magmamartsa sa kanilang kauna-unahang Final Four appearance ang Farm Fresh Foxies matapos walisin ang Nxled Chameleons, 25-17, 25-20, 25-19, sa Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference play-in tournament…

· 1 min read

Foxies nilaglag Chameleons; kinubra makasaysayang PVL semis tiket

Magmamartsa sa kanilang kauna-unahang Final Four appearance ang Farm Fresh Foxies matapos walisin ang Nxled Chameleons, 25-17, 25-20, 25-19, sa Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference play-in tournament, ika-7 ng Abril sa FilOil Center sa San Juan.

Matapos makuha ang momentum sa opening frame, hindi na muling lumingon ang Foxies at tuluyang sinelyuhan ang laban sa dalawa pang sumunod na set.

Sinandalan ng Farm Fresh ang opensiba nina Trisha Tubo na nagtala ng 12 puntos at Ces Molina na may 10 puntos kasama ang 11 excellent receptions.

Parehong naging dominante ang panimula ng Foxies sa dalawang naunang set subalit nag-iba ang ihip ng hangin sa ikatlo matapos makuha ng Chameleons ang maagang 8-6 kalamangan.

Ngunit, agaran itong binura ng Farm Fresh matapos magbomba ng 10-1 run tampok ang kill ni Tubo na nagdala sa kanila sa 16-9 na iskor.

Nagpatuloy ang magandang atake ng Foxies kung saan ay naglista ulit si Tubo ng back-to-back kills para sa 23-17 na kalamangan.

Sinundan pa ito ng dalawa pang kill mula kay Royse Tubino na siyang tuluyang tumapos sa kampanya ng Nxled.

Pinangunahan naman ni Brooke Van Sickle ang Chameleons sa likod ng kaniyang 13 puntos at 11 excellent receptions, habang si MJ Phillips naman ay may 11 puntos.

How did this story make you feel?

Be the first to react · no sign-in needed

Comments

Be civil. Read the Comment Guidelines.

Comments are reviewed by moderators. No account needed for now; sign-in arrives with the reader accounts update.

Loading comments…

More from Sports

Sports Feature

Stepping back to move forward

JB Nitura · Apr 8, 2026 · 1 min

Email news

Get the stories that matter, straight to your inbox.

Breaking news, a daily digest at 7:00 AM, or a Sunday round-up. English, Filipino, or both. Unsubscribe anytime.