Literary

Sana Patay na Ako

Sa paghalik ng matulis na bagay sa aking balat, ay siyang pag-agos ng dugo na matagal nang ikinulong ng aking katawan. Hindi alintana ang hapdi na nararamdaman, bagkus ay nakatuon lamang sa kawalan habang ang kamay ay…

· 2 min read

Sana Patay na Ako
Sa paghalik ng matulis na bagay sa aking balat, ay siyang pag-agos ng dugo na matagal nang ikinulong ng aking katawan. Hindi alintana ang hapdi na nararamdaman, bagkus ay nakatuon lamang sa kawalan habang ang kamay ay paulit-ulit na sinasaktan ang matagal nang inabusong katawan. Mas dama pa ang pagkahumaling sa nagdurugong kalamnan kaysa sa takot na isang hiwa lang ng katulisan sa balat ay makikita ko na si kamatayan. Binaon na sa limot ang mga problema, ngunit kagaya ng mga bangungot ay nagsilbi itong palatandaan sa pananabik kong mahagkan si kamatayan sa kaniyang kaharian. Isa na akong multo na hindi kilala ang sarili—namamayat na, namumutla, at maraming mga pasa na galing sa sariling mga kamay. Mas maayos na ito dahil para sa mata nila, ay maayos ako at hindi na kailangan ng pangangamusta. Ako’y matagal nang inilibing sa hukay ng mga patay kong mga pangarap. Pilit umaahon. Bumabangon. Dahil ako lang ang nakaaalam na araw-araw kong kapiling si kamatayan hanggang sa aking pagtulog. Sabi ng mga magulang ko na nababaliw na raw ako nang aksidente nilang nasilayan ang paghiwa ng matulis na patalim sa aking palapulsuhan. “Demonyo!” ang naging sigaw ni Mama habang blangko lang akong nakatingin sa kanila kasabay ng pagpatak ng mga butil ng dugo mula sa aking palapulsuhan at nagkalat sa aking paanan. Simula noon ay hindi ko na dama ang sariling katawan. Naging normal na sa akin ang sugatan nang paulit-ulit ang sarili ko, dahil lamang sa ganitong paraan ko lang naramdaman na nandito ako, humihinga, buhay, at patuloy na nakikipaglaban. Ngunit kagaya ng pagkamuhi ng mga magulang ko sa ginawang kalapastanganan, ay gano’n din ang pananalig ko na sana kinuha na lang ako ni kamatayan at pinatira sa kaniyang kaharian. Nang sa gayon ay hindi ko na kailangang paduguin ang sarili ko upang mapansin lang ng iba ang tunay kong nararamdaman. Kaya kung tatanungin mo ako kung ano ang ipinapanalangin ko sa araw-araw, ay iisa lang ang sagot ko: “Sana patay na ako.” Dahil kapag sumakabilang buhay na ang isang tao, ay saka lang nito mararamdaman na nasisilayan siya ng lahat at hindi siya isang kawalan nang kinamuhian niya ang sarili niyang katawan.

How did this story make you feel?

Be the first to react · no sign-in needed

Comments

Be civil. Read the Comment Guidelines.

Comments are reviewed by moderators. No account needed for now; sign-in arrives with the reader accounts update.

Loading comments…

More from Literary

Filipino

Isang Anghel

Beaker · Oct 26, 2025 · 3 min

Behind Her Smile

Ysha De Paz Olarte · Oct 27, 2025 · 1 min

Filipino

Babae, Walang Paumanhin

Lia Abellana · Nov 2, 2025 · 2 min

Filipino

Laban sa Katahimikan

Alleya Krisha Naveros · Nov 2, 2025 · 1 min

Email news

Get the stories that matter, straight to your inbox.

Breaking news, a daily digest at 7:00 AM, or a Sunday round-up. English, Filipino, or both. Unsubscribe anytime.