Literary
Laban sa Katahimikan
Hindi ko alam kung ako lang ba, pero may mga araw na paggising ko pa lang ay parang pagod na ako. Para bang nakipaglaban ako buong magdamag, kahit wala naman akong natatandaang laban.
· 1 min read

–views
18.4
Hindi ko alam kung ako lang ba, pero may mga araw na paggising ko pa lang ay parang pagod na ako. Para bang nakipaglaban ako buong magdamag, kahit wala naman akong natatandaang laban.
Sabi ng iba, baka kulang lang sa tulog, baka iniisip ko lang. Pero paano kung may bigat na hindi basta matutulugan? Paano kung may hapdi na hindi alam kung saan nanggaling?
Kung tutuusin, hindi lang ako ang ganito. Maraming kabataan ang tahimik na nakikipagdigma sa sarili nilang isip at damdamin. May mga ngiting pilit, may mga matang puno ng tanong, at may mga pusong halos sumuko na—kahit wala silang maisagot kung ano nga ba ang pinagmulan ng lahat.
Ang masakit, madalas hindi ito napapansin. Mas madaling manahimik kaysa magpaliwanag. Mas madaling ngumiti kaysa umamin. Kaya’t patuloy ang laban, isang digmaan na walang pangalan, walang mukha, at walang kasaysayan—ngunit ramdam na ramdam.
At dito ko napagtanto: minsan, hindi mo kailangang malaman ang sanhi para umalalay. Hindi mo kailangang intindihin lahat para makinig. Sapagkat ang simpleng pagdamay ay maaari nang maging sandata laban sa pinakamabigat na laban—ang digmaang hindi natin alam.
How did this story make you feel?
Be the first to react · no sign-in needed
More from Literary
Filipino
Ang ‘Di Nakikitang Kamay ng Pamamahayag
Nicholas y Pancho de Villamayor · Nov 4, 2025 · 2 min
Behind Her Smile
Ysha De Paz Olarte · Oct 27, 2025 · 1 min
Email news
Get the stories that matter, straight to your inbox.
Breaking news, a daily digest at 7:00 AM, or a Sunday round-up. English, Filipino, or both. Unsubscribe anytime.





Comments
Be civil. Read the Comment Guidelines.
Loading comments…