Literary

Sa aparador kung saan ako’y nagkukubli

Sa murang edad, natuto akong mag-balatkayo sa pagkakakilanlan ko. Itinago sa aparador ang katotohanan, dulot na rin sa takot na ako ay maging katatawanan o maging kapahamakan.

· 2 min read

Sa aparador kung saan ako’y nagkukubli

Sa murang edad, natuto akong mag-balatkayo sa pagkakakilanlan ko. Itinago sa aparador ang katotohanan, dulot na rin sa takot na ako ay maging katatawanan o maging kapahamakan.

Sa mata ng iba, lalo na sa pamilya ko—isang kasalanan ang umibig sa kapwa kasarian.

Kaya natuto akong magtago sa lugar kung saan ako lang ang nakaaalam. Natutuhan kong humalubilo at umakto na hindi ako kagaya ng mga itinuring nilang sayang. Nais ko mang lumaban ay kulang ang lakas ko... marami sila.

Mapakla akong tumawa habang ang mga butil ng luha ay bumagisbis nang walang awa. Mga paa ko’y nakaluhod, mga palad ay mahigpit na ipinagsiklop, at ang kalamnan ay nanginginig sa galit at pagkamuhi sa sariling takot.

May katapusan ba kaya ang pagdurusang ito, Panginoon? Kailan kaya kami mamumuhay ng payapa at matiwasay? Kailan kaya titigil ang pagdanak ng dugo sa tuwing kami’y kanilang kinamumuhian?

Kailan kaya ako magiging ako...

Ganito ang bawat gabi ko sa aking silid—tahimik, binalot ng pagkamuhi, at takot para sa sarili. Natatakot akong ipakita ang totoong ako dahil na rin minsan na akong pinagbantaan ng dahas upang ako’y maituwid.

Natatakot ako dahil imbis na tanggapin kung ano man ang pagkakakilanlan ko at sekswalidad, disgusto ang mamumuo sa kanilang mga puso. At natatakot ako na itutuloy nga ang banta ng ama ko noon na susuntukin niya ako hanggang sa ako’y maging normal ulit... hanggang sa hindi na ako baklaan kung magmahal.

Kahit sa pagtulog ko man ay nababalot pa rin ako ng pangamba. Ayaw kong kamuhian ako ng mga magulang ko. Ayaw kong ipagtaboy ako ng pamilya at kamag-anak ko. Ayaw kong makita ang dismaya, disgusto, at galit sa kanilang mukha kung darating man ang panahon na magkukusa akong umamin sa kanila na ganito ako.

Ayaw kong marinig ang mga salitang, “Sayang ka...” mula sa kanilang mga bibig.

Tama na po! Gusto ko lamang umibig nang payapa at bukal sa puso. Gusto kong maging ako nang walang pagbabalatkayo at pagsisinungaling. Gusto kong mabuhay sa mundo na tanggap ang mga katulad kong baklaan kung magmahal.

Gusto ko nang lumabas sa aparador na kung saan ako’y nagkukubli para sa aking kapakanan... para makamtan ko na ang pagiging malaya.

Sayang nga ba ang mga tulad ko, o mas sayang ang tunay na pagmamahal at pag-asa na pinapatay niyo?

How did this story make you feel?

Be the first to react · no sign-in needed

Comments

Be civil. Read the Comment Guidelines.

Comments are reviewed by moderators. No account needed for now; sign-in arrives with the reader accounts update.

Loading comments…

More from Literary

Everything Stays

Amnis de Ira · Mar 7, 2026 · 18 min

Women'S Month Special

Ang Reyna sa Likod ng Kurtina

Alintaboy · Mar 8, 2026 · 2 min

Light My Love

John Arnold Cruzado · Mar 6, 2026 · 3 min

I Met My Younger Self Today

Kyla D. Feliciano · Mar 5, 2026 · 2 min

Email news

Get the stories that matter, straight to your inbox.

Breaking news, a daily digest at 7:00 AM, or a Sunday round-up. English, Filipino, or both. Unsubscribe anytime.