Sports

Reyes inakay ang Gilas Girls, ginulantang ang Korea sa Fiba U16 Asia Cup

Sa isang 'must-win game' ng Gilas Pilipinas Girls, ibinuhos ni Tiffany Reyes ang lakas upang maipasok ang game-winner na tira dahilan upang maungusan nila ang Korea, 77-75, sa Fiba U16 Women's Asia Cup nitong Miyerkules…

· 1 min read

Reyes inakay ang Gilas Girls, ginulantang ang Korea sa Fiba U16 Asia Cup
Sa isang 'must-win game' ng Gilas Pilipinas Girls, ibinuhos ni Tiffany Reyes ang lakas upang maipasok ang game-winner na tira dahilan upang maungusan nila ang Korea, 77-75, sa Fiba U16 Women's Asia Cup nitong Miyerkules sa Arena Seremban sa Malaysia. Ito ang kauna-unahang panalo ng koponan sa Division A. Naging madikit ang labanan nang kumana si Seun Lim ng isang jumper sa huling 15 segundo para sa 75-74 na kalamangan na naging dahilan upang magtapos siya na may 31 puntos, pinakamataas na puntos sa laro. Gayunpaman, inayon ng Gilas Pilipinas sa kanila ang swerte matapos maitabla ni Ruiza Jhane Olmos ang laban sa kaniyang split free throw sa huling 10 segundo. Naipasakamay ni Reyes ang bola sa huling segundo at hindi nagpatinag sa depensa ng kalaban kung saan matagumpay niyang naitira ang mid-range jumper kasabay ng pagtunog ng buzzer na nagresulta upang makopo nila ang pagkapanalo. Aarangkada ang Gilas girls sa isang qualification game para selyuhan ang pwesto sa semifinals kontra sa hindi pa natutukoy na kalaban sa Biyernes.

How did this story make you feel?

Be the first to react · no sign-in needed

Comments

Be civil. Read the Comment Guidelines.

Comments are reviewed by moderators. No account needed for now; sign-in arrives with the reader accounts update.

Loading comments…

More from Sports

Sports Feature

The Reign of Four Lady Spikers: A Debate on Greatest of all time

Darwin Rodrigo · Sep 23, 2025 · 2 min

PH Pride Yulo dazzles, snags bronze at World Championships

Francis Owen Romano · Oct 27, 2025 · 2 min

Email news

Get the stories that matter, straight to your inbox.

Breaking news, a daily digest at 7:00 AM, or a Sunday round-up. English, Filipino, or both. Unsubscribe anytime.