Sports

Boatwright kumamada ng 41 puntos sa debut; SMB kinalawit NLEX

Pinamunuan ni Bennie Boatwright ang opensa ng San Miguel Beermen (SMB) matapos magbandera ng 41 puntos sa kanyang pagbabalik sa PBA S50 Commissioner's Cup upang idiskaril ang NLEX, 98-94, sa Ynares Center noong ika-19…

· 2 min read

Boatwright kumamada ng 41 puntos sa debut; SMB kinalawit NLEX

Pinamunuan ni Bennie Boatwright ang opensa ng San Miguel Beermen (SMB) matapos magbandera ng 41 puntos sa kanyang pagbabalik sa PBA S50 Commissioner's Cup upang idiskaril ang NLEX, 98-94, sa Ynares Center noong ika-19 ng Abril.

Sa pagtungtong sa pinakakritikal na sandali, tinibag ni Boatwright ang 94-all deadlock sa nalalabing 32.6 segundo sa bisa ng clutch dunk na naghudyat upang masungkit ang 96-94 na pag-abante at angkinin ang panalo para sa Beermen.

"It's good to be back home. I appreciate Coach [Leo] and everybody bringing me back in to be San Miguel's import. I'm just excited to keep playing with the guys," pahayag ni Boatwright ayon sa ABS-CBN.

Sa opening period, habang hawak ng NLEX ang manibela, hindi nagpatinag ang San Miguel import matapos magpatala ng impresibong 15 puntos sa 5-of-11 shooting.

Nagpatuloy ang ratsada ni Boatwright sa ikalawang kwarter sa bisa ng mga two-pointers at treys upang magtala ng kabuuang 25 puntos sa halftime at limitahan ang NLEX 17 puntos lamang.

Umarangkada muli si Boatwright matapos mag-ukit ng back-to-back four-pointers sa pagbubukas ng ikatlong yugto, para selyuhan ang 14-0 run ng SMB na nagpalobo sa kalamangan, 64-52.

Sa kabilang banda, pinangunahan ni NLEX import Cady Lalanne matapos itulak nito ang Road Warriors sa 12-2 run upang tapyasin ang bentahe ng San Miguel sa dalawa, 87-85, gamit ang solidong two-handed tomahawk.

Umariba si Lalanne sa ika-3:37 ng laban matapos maipasok ang isang krusyal na treys upang maitabla ang talaan, 89-all, bago maipasok muli ang isang three-pointer na nagmitsa upang ikartada ang 94-92 upper hand.

Ngunit hindi napurnada ang SMB matapos ang game-tying free-throws ni Boatwright at isang dagger lay-up ni CJ Perez sa late-game upang masungkit ang panalo.

Bunsod nito, matagumpay na winakasan ng SMB ang kanilang two-game losing-streak at ibinalandra ang koponan sa 4-4 record.

Iginiya naman ni Lalanne sa isang losing effort ang NLEX gamit ang kanyang double-double performance, 35 puntos, 12 rebounds, at isang block.

Inaasahang makakalaban ng San Miguel ang koponan ng Blackwater Bossing ngayong darating na Miyerkules sa Ninoy Aquino Stadium.

How did this story make you feel?

Be the first to react · no sign-in needed

Comments

Be civil. Read the Comment Guidelines.

Comments are reviewed by moderators. No account needed for now; sign-in arrives with the reader accounts update.

Loading comments…

More from Sports

Icymi

ONIC PH, niragasa ang OMG sa early lead para sa 3-match win streak

John Carl R. Zuniega · Apr 19, 2026 · 3 min

PLDT edges Farm Fresh in Game 1, moves closer to PVL bronze

Kimberly Santiago · Apr 22, 2026 · 1 min

Lady Falcons rout Maroons to strengthen Final Four push

Antonino Leonardo · Apr 17, 2026 · 1 min

Eala yields to Fernandez, exits Stuttgart Open in R32

Vince Garcia · Apr 17, 2026 · 1 min

Email news

Get the stories that matter, straight to your inbox.

Breaking news, a daily digest at 7:00 AM, or a Sunday round-up. English, Filipino, or both. Unsubscribe anytime.