News

Pagadian City, nagdaos ng motorcade kontra korapsiyon

Daan-daang residente ng Pagadian City ang lumahok sa motorcade bilang panawagan sa pagwawakas ng korapsyon sa lungsod kahapon, Setyembre 21.

· 1 min read

Pagadian City, nagdaos ng motorcade kontra korapsiyon
Daan-daang residente ng Pagadian City ang lumahok sa motorcade bilang panawagan sa pagwawakas ng korapsyon sa lungsod kahapon, Setyembre 21. Ito ay dahil sa 'di umanong 'mismanagement' ng pondo, kakulangan sa transparency sa mga proyekto at mabagal na pag-unlad sa nasabing lugar. Dagdag pa rito, nakaranas din ang Pagadian City ng kakulangan sa trabaho, isyu sa mga impraestraktura, at kakapusan sa akses sa mga pangangailangan. Ayon sa mga kritik, korapsyon ang nakaaapekto sa mga problemang ito lalo na't hindi nailalaan ang mga badyet para sa mga mahahalagang programa na magpapaunlad ng ekonomiya ng lungsod. "This is just the beginning. We will not rest until we see the real change in Pagadian City," pagbibigay-diin ng mga mamamayan. Nangako ang mga organizers na ipagpapatuloy ang pag-promote ng transparency at good governance. Balak ding ipagpatuloy ang plano tulad ng pampublikong forum, investigative research, at pakikipag-ugnayan sa mga lokal na opisyal tungo sa reporma.

How did this story make you feel?

Be the first to react · no sign-in needed

Comments

Be civil. Read the Comment Guidelines.

Comments are reviewed by moderators. No account needed for now; sign-in arrives with the reader accounts update.

Loading comments…

More from News

17 arrested in Ayala Bridge due to truck fire

Alexandrei Tuzon · Sep 22, 2025 · 1 min

Filipino

PBBM, handa sa imbestigasyon tungkol sa donasyon sa kampanya

Nico Pancho · Sep 22, 2025 · 1 min

Email news

Get the stories that matter, straight to your inbox.

Breaking news, a daily digest at 7:00 AM, or a Sunday round-up. English, Filipino, or both. Unsubscribe anytime.