News

Mga nag-riot sa Maynila, binanatan ni Isko

Ganiyan inilarawan ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga nanggulo sa dapat na mapayapang protesta sa Recto Avenue kahapon, Setyembre 21.

· 1 min read

Mga nag-riot sa Maynila, binanatan ni Isko
“Utak adik, utak talangka.” Ganiyan inilarawan ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga nanggulo sa dapat na mapayapang protesta sa Recto Avenue kahapon, Setyembre 21. Pahayag ng alkalde, matapang lamang ang mga ito kapag sama-sama na silang lahat. “Itong mga tolongges na kabataan, pagdating ng lilim ng gabi, nag-mob na. As you can see, maraming public at private property were damaged,” ani Moreno. Aniya, duda raw siyang tunay na raliyista ang mga sangkot sa gulo sa Recto dahil may kani-kaniyang lugar ang mga nakatakdang mag-rally nitong Linggo. “Ang initial report namin, merong nagmanipulate nung mga bata, unconfirmed pa. Ito ‘yung mga nagsunog ng mga motor, naghagis ng molotov, [at] nanira ng private property,’ dagdag pa niya. Samantala, hindi bababa sa 100 ang nasa kustodiya ng Manila Police District (MPD) kabilang ang 48 na menor de edad na kanilang inaresto.

How did this story make you feel?

Be the first to react · no sign-in needed

Comments

Be civil. Read the Comment Guidelines.

Comments are reviewed by moderators. No account needed for now; sign-in arrives with the reader accounts update.

Loading comments…

More from News

Filipino

113 raliyista sa Mendiola, arestado; isa, patay

Kian Gabriel Managbanag · Sep 22, 2025 · 1 min

Filipino

PBBM, handa sa imbestigasyon tungkol sa donasyon sa kampanya

Nico Pancho · Sep 22, 2025 · 1 min

17 arrested in Ayala Bridge due to truck fire

Alexandrei Tuzon · Sep 22, 2025 · 1 min

Email news

Get the stories that matter, straight to your inbox.

Breaking news, a daily digest at 7:00 AM, or a Sunday round-up. English, Filipino, or both. Unsubscribe anytime.