News

Ilang nitso sa Oas Catholic Cemetery bumagsak; mga labi, nangamoy

Nagdulot ng matinding pag-aalala sa mga residente ng Brgy. Mayao, Oas, Albay ang pagkasira ng ilang nitso sa Oas Catholic Cemetery ngayong araw, July 24.

· 1 min read

Ilang nitso sa Oas Catholic Cemetery bumagsak; mga labi, nangamoy
Nagdulot ng matinding pag-aalala sa mga residente ng Brgy. Mayao, Oas, Albay ang pagkasira ng ilang nitso sa Oas Catholic Cemetery ngayong araw, July 24. lto ay matapos bumigay ang mga nitso dahil sa umano’y mahinang pundasyon, na lalong pinatindi ng patuloy na pag-ulan nitong mga nakaraang araw. Sa isang maselang tagpo, ilang labi ng mga yumaong inilagak sa sementeryo ang nakitang lantad at nangangamoy, bagay na labis na ikinabahala ng mga malalapit na residente. Bukod sa panganib sa kalusugan, tinuturing nila itong isang malinaw na kawalan ng respeto sa mga pumanaw. “Ito ay hindi lamang isyu ng kalinisan, kundi ng dignidad, para sa mga yumao at sa mga buhay na naiwan,” ani ng isang residente na nanawagan ng agarang aksyon mula sa simbahan at kinauukulang mga opisyal. Sa kabila ng lumalakas na panawagan ng komunidad, iniulat na hindi pa rin naaayos ang mga sirang nitso hanggang ngayon. Hiniling naman ng mga residente na agad itong ayusin upang maiwasan ang posibleng panganib sa kalusugan at ang paglala ng masangsang na amoy na patuloy na bumabalot sa lugar.

How did this story make you feel?

Be the first to react · no sign-in needed

Comments

Be civil. Read the Comment Guidelines.

Comments are reviewed by moderators. No account needed for now; sign-in arrives with the reader accounts update.

Loading comments…

More from News

Email news

Get the stories that matter, straight to your inbox.

Breaking news, a daily digest at 7:00 AM, or a Sunday round-up. English, Filipino, or both. Unsubscribe anytime.