News

‘Huwag pilitin ang LGU’: Angara sa publiko ukol sa pagsuspinde ng klase

Hinimok ni Education Sec. Sonny Angara ang publiko na huwag pilitin ang mga lokal na pamahalaan na magsuspinde ng klase kahit na bahagya lamang ang mga pag-ulang nararanasan sa kani-kanilang lugar.

· 1 min read

‘Huwag pilitin ang LGU’: Angara sa publiko ukol sa pagsuspinde ng klase
Hinimok ni Education Sec. Sonny Angara ang publiko na huwag pilitin ang mga lokal na pamahalaan na magsuspinde ng klase kahit na bahagya lamang ang mga pag-ulang nararanasan sa kani-kanilang lugar. Ayon kay Angara, ang madalas at hindi kinakailangang kanselasyon ng klase ay lalo lamang magpapalala sa ‘learning loss’ ng mga estudyante. Panawagan pa ni Angara, “Nakikiusap din kami sa publiko, sa mga magulang, at estudyante. Huwag natin masyadong i-pressure ang ating local government, chief executives na kaunting ulan ay mag-suspend na tayo dahil kapag sinumatotal natin ang nawawalang araw, malaki ang dagok o tama sa ating mga estudyante, ‘yun ang tinatawag na learning loss.” Dagdag pa ng kalihim, sa ngayon ay nire-require na ng Department of Education ang mga paaralan na magsagawa ng make-up classes, kapag nagkaroon ng class suspension, upang masiguro na makukumpleto ng mga ito ang kanilang required learning hours.

How did this story make you feel?

Be the first to react · no sign-in needed

Comments

Be civil. Read the Comment Guidelines.

Comments are reviewed by moderators. No account needed for now; sign-in arrives with the reader accounts update.

Loading comments…

More from News

Saudi ‘Sleeping Prince’ dies after 20 years coma

Jasmine Batoctoy · Jul 22, 2025 · 1 min

Email news

Get the stories that matter, straight to your inbox.

Breaking news, a daily digest at 7:00 AM, or a Sunday round-up. English, Filipino, or both. Unsubscribe anytime.