Sports

Nxled nalampasan ang ikalawang set kontra Capital1, nanatiling undefeated

Nakaraos ang Nxled Chameleons sa mahigpit na ikalawang set para sa 3-0 (25-18, 28-26, 25-18) panalo laban sa Capital1 Solar Spikers na nagbigay sa kanila ng ikalawang sunod na panalo sa 2026 Premier Volleyball League…

· 1 min read

Nxled nalampasan ang ikalawang set kontra Capital1, nanatiling undefeated

Nakaraos ang Nxled Chameleons sa mahigpit na ikalawang set para sa 3-0 (25-18, 28-26, 25-18) panalo laban sa Capital1 Solar Spikers na nagbigay sa kanila ng ikalawang sunod na panalo sa 2026 Premier Volleyball League All-Filipino Conference nitong Pebrero 7 sa Ynares Center Montalban.

Pinangunahan nina Brooke Van Sickle at Myla Pablo ang Chameleons na parehong umiskor ng 15 puntos para i-angat ang koponan sa tuktok ng standings na may 2-0 record kasama ang Cignal.

Mula umpisa ng laro, bantay-sarado ang Chameleons sa Solar Spikers para tiyakin na mabilis nila itong mapipigilan.

Naitabla ang iskor, 11-all, sa ikatlong set bago magbigay si Myla Pablo ng tatlong puntos na kalamangan para sa Nxled, 16-13.

Sa pagtatapos ng laro, tuluyang lumayo ang Chameleons sa pagtala nila ng 7-3 run para maabot ang kanilang pinakamalaking kalamangan na pitong puntos.

Tatangakaing patalsikin ng Nxled ang Cignal sa rurok ng standings sa susunod na Sabado, Pebrero 14, sa Ynares Center Antipolo, habang ang Capital1 ay makakalaban ang PLDT upang makabalik sa landas sa Huwebes, Pebrero 12, sa FilOil Center sa San Juan.

How did this story make you feel?

Be the first to react · no sign-in needed

Comments

Be civil. Read the Comment Guidelines.

Comments are reviewed by moderators. No account needed for now; sign-in arrives with the reader accounts update.

Loading comments…

More from Sports

Filipino

Galeries Tower nilusutan ang ZUS Coffee, winakasan ang 17-game skid

Janette Cendaña · Feb 11, 2026 · 1 min

Filipino

PLDT, nangibabaw kontra Creamline; rumagasa sa debut game

Janette Cendaña · Feb 7, 2026 · 1 min

Email news

Get the stories that matter, straight to your inbox.

Breaking news, a daily digest at 7:00 AM, or a Sunday round-up. English, Filipino, or both. Unsubscribe anytime.