Literary

Para sa mga binitawan nating pangarap

Sabi nila, "Ang buhay ay parang gulong. Minsan nasa taas, minsan nasa baba."

· 2 min read

Para sa mga binitawan nating pangarap

Sabi nila, "Ang buhay ay parang gulong. Minsan nasa taas, minsan nasa baba."

Ngunitikakagalit ika ba ng gumawa ng kasabihan na ito kung sasabihin ko sa kaniyang hindi ito totoo at hindi ako naniniwala rito? Dahil bakit pagdating sa'min... lagi lamang kaming nasa ibaba? Bakit 'pag ako na, biglang ang unfair ni universe?

Walang pag-andar.

Walang pag-usad.

Puro paatras lang.

Maaga kong natutunan ang kumayod kaysa ang magsaya gaya ng ibang mga bata sa lansangan. Habang sila ay masayang naglalaro ng chinese garter at piko, ako naman ay nagpapaypay ng inihaw sa maliit na tindahan ni Nanay. Tumatagaktak ang pawis at inuubo sa kapal ng usok. Nauna akong imulat ng buhay sa sakit na dulot nito bago sa ginhawa.

Kaya naman hindi na nawala sa isip ko ang laging paalala ni Inay, "Huwag masyadong mangarap ng mataas dahil mas masakit ang pagbagsak." Mas masakit ang pag-aakala na may nag-aabang sa'yo sa lupa sa sandaling tangayin ka ng hangin. Pero sa unang pagkakataon, gusto kong patunayan na mali sila. Na ang pagiging mahirap ay hindi kailanman magiging hadlang sa taong may mataas na pangarap.

Ngunit totoo ngang madaya ang tadhana. Paasahin ka, bibigyan ng pag-asa, at pagkatapos ay uubusin ka sa huli.

Ngayong nakaharap ako sa salamin, hindi ko na alam kung saan napunta ang dating ako. 'Yong humaharap nang may takot at nangangarap nang mataas. Ilang buwan na rin ang lumipas simula ng bitawan ko ang pangarap kong makapasok sa Unibersidad ng Pilipinas. Alam ko kasi hindi ko kaya. Maraming mas magaling sa akin. Mas mayaman... mas karapat-dapat. Sinayang ko lang ang mga inihulog kong barya sa wishing well. Wala na rin itong saysay dahil ako na mismo itong bumitaw kaagad.

"Libre lang ang mangarap pero mahal ang abutin ito."

Oo, totoo ang mga katagang iyan. Mahirap... ang maging mahirap. Pero ang totoo? Mas mahal ang pagsuko. Mas mahal ang pagbitaw. Mas mahal ang pag-atras matapos mo umabante gayong hindi mo pa naman nakikita ang dulo.

At huli na nang napagtanto ko ito. Habang sila ay naghahanda na sa pagpasok sa pinapangarap kong unibersidad, ako naman ay patuloy na binabangungot ng mga "sana."

Sana hindi ako naging duwag.

Sana pala hindi ako natakot.

At sana... sana sinubukan ko man lang.

Kaya sa'yo na nagbabasa nito, huwag mo sana piliin ang pag-abante sa unang usad mo pa lang. Wala nang 'susunod na buhay.' Ito ang hinaharap mo. Hindi mo na kontrolado ang mangyayari sa ibang buhay dahil ibang bersyon ng iyong sarili ang haharap dito. At ang kasalukuyang ikaw ang may hawak sa nangyayari ngayon. Ikaw ang susulat ng kwento. Kaya hayaan mong nagtapos ang iyong istorya nang kuntento ka. Walang pagsisisi, walang sinayang, at walang panghinayangan.

How did this story make you feel?

Be the first to react · no sign-in needed

Comments

Be civil. Read the Comment Guidelines.

Comments are reviewed by moderators. No account needed for now; sign-in arrives with the reader accounts update.

Loading comments…

More from Literary

The Day I Left the Crayons on the Floor

Ark Meci · Apr 12, 2026 · 2 min

Bad Artist

Kyriel Yu · Apr 14, 2026 · 2 min

Filipino

Sariling buhay ang Inialay, noong ika'y Nawalay

Makoto · Apr 11, 2026 · 2 min

Email news

Get the stories that matter, straight to your inbox.

Breaking news, a daily digest at 7:00 AM, or a Sunday round-up. English, Filipino, or both. Unsubscribe anytime.