Literary

Kung Wala sa Yakap

May mesa nga’t pagkain, may bubong laban sa ulan, pero kung tahimik ang hapag at walang nagtatanong kung kamusta ako, parang wala ring saysay ang lahat. Dahil hindi tiyan ang gutom ko, kundi puso kong nananabik sa isang…

· 1 min read

Kung Wala sa Yakap
May mesa nga’t pagkain, may bubong laban sa ulan, pero kung tahimik ang hapag at walang nagtatanong kung kamusta ako, parang wala ring saysay ang lahat. Dahil hindi tiyan ang gutom ko, kundi puso kong nananabik sa isang mainit na paglingon. Oo, may sapatos ako, may baon, may laruan— pero hindi ba’t higit pa ro’n ang kailangan ng bata? Nasaan ang haplos na magpapakalma, ang salitang “mahal kita” na kahit minsan ay hindi ko pa nasilayan sa mga labi niyo, Inay, Itay? Malaki nga ang bahay, pero bakit parang walang tahanan? May kama nga sa gabi, pero walang bisig na naghihintay. Ano ang halaga ng ginhawa kung wala namang yakap na magpapaalalang ligtas ako, na may uuwian akong pagmamahal? Kahit puno ang bag ko, walang laman ang damdamin. Kahit may baon ako tuwing umaga, umaalis pa rin akong hungkag. At sa bawat katahimikan, natuto akong huwag nang umasa, na hindi lahat ng kasama ay tunay na naririyan. Sapagkat ang pagpapabaya ay hindi lang kawalan ng bigay— minsan ito’y presensya na malamig, tinig na walang lambing, mga matang hindi ako nakikita. At sa pagitan ng presensya at pagkawala, natutunan kong dalhin ang sugat na walang marka, ang kirot na walang pangalan, ang lungkot na walang nakapansin. Dahil ang tunay na tahanan ay hindi nasusukat sa bubong, kundi sa yakap na sana’y nadama ko, at sa salitang matagal ko nang gustong marinig mula sa inyo: Mahal kita, anak.

How did this story make you feel?

Be the first to react · no sign-in needed

Comments

Be civil. Read the Comment Guidelines.

Comments are reviewed by moderators. No account needed for now; sign-in arrives with the reader accounts update.

Loading comments…

More from Literary

A Goddess of Thievery

Trisha Jane Estoconing · Sep 9, 2025 · 2 min

When Pulchritude or Beauty Becomes a Burden

Erica Crisostomo · Sep 12, 2025 · 2 min

Filipino

Pag-asa sa Presyo ng Pangarap

Maria Selma · Sep 13, 2025 · 2 min

Filipino

Isang Anghel

Beaker · Oct 26, 2025 · 3 min

Email news

Get the stories that matter, straight to your inbox.

Breaking news, a daily digest at 7:00 AM, or a Sunday round-up. English, Filipino, or both. Unsubscribe anytime.