Literary

Ang Tunay na Kalapastangan

Kalapastangan ang hindi ka ibigin. Kalokohan ang hindi ka isipin.

· 2 min read

Ang Tunay na Kalapastangan

Kalapastangan ang hindi ka ibigin. Kalokohan ang hindi ka isipin.

Ilang taon na ang lumipas, ngunit hanggang ngayon, ikaw pa rin ang unang sinasambit ng puso’t isipan ko. Sa bawat paghinga ko, tila ba ang pangalan mo’y siyang hangin na dahilan ng pagkabuhay ng aking katawang-lupa. Tila kasagutan sa mga dasal na aking inuusal.

Ngunit kasabay ng mga taon ng paghihintay… ay ang unti-unting pagkagunaw ng sarili kong mundo.

Dumating ako sa puntong maging ang sarili ay tuluyan ko nang kinukwestiyon. Dahil paano ko ba naman talaga maririnig ang katinuan, kung ikaw ang palaging sigaw ng aking isipan?

Sa pagpatak ng magkaparehong kamay ng relo sa bilang labing-isa, nag-iba na ang hiling na minutawi ko sa kawalan. Mula sa pag-asam na ako’y iyo ring magustuhan, hanggang sa panalanging ikaw na’y makalimutan.

Siguro ito na nga ang oras—ang oras na limutin ang ngalan mo. Para mabuhay nang hindi na sugatan ang aking puso. Para makahinga na ang aking kaluluwang pagod nang umasa.

At sa puntong ito, ako’y natauhan sa isang mapait na katotohanan: Bakit hindi ko agad napagtantong narito lamang pala ang langit sa kalupaan? Na ang anghel ay hindi pala nakalilipad, ‘pagkat sila’y nasa tabi ko lamang?

Bakit hindi ko agad naramdaman na hindi na pala nagdiriwang ang mga anghel, bagkus ay nagtatangis na pala sila? Oo, tumatangis ang mga anghel. Nanlulumo na pala sila na makitang ako’y umaasa nalang sa wala.

Siguro hindi ako mamamatay na nakangiti dahil ikaw ay nasa tabi ko. Kundi mamamatay akong nakangiti dahil sa wakas, ako’y nakawala sa paghabol sa’yo.

Siguro mabubuhay akong nagsisisi. Hindi dahil sa'yo’y may nagawa akong mali. Kundi dahil sa bawat pagkakataon, pinili kong manatili sa isang pag-ibig na hindi kailanman lumingon pabalik.

At ngayon, sa dulo ng lahat ng dasal at pagluha—naiintindihan ko na.

Siguro hindi kalapastangan ang hindi ka ibigin. Marahil ang tunay na kalapastangan ay ang alam ko nang hindi mo ako pipiliin, ngunit pinili pa rin kitang mahalin. Siguro isa lang kalokohan ang isiping ako ay mahal mo rin.

How did this story make you feel?

Be the first to react · no sign-in needed

Comments

Be civil. Read the Comment Guidelines.

Comments are reviewed by moderators. No account needed for now; sign-in arrives with the reader accounts update.

Loading comments…

More from Literary

Fragments of Us

Jean S. Cais · Apr 22, 2026 · 2 min

Recall What We Had

Arteya Leiana Tominez · Apr 17, 2026 · 3 min

Filipino

UP, mahal kita 7 years na.

Mirasol · Apr 23, 2026 · 2 min

How can I unwrite you?

Ed Almasco · Apr 16, 2026 · 1 min

Email news

Get the stories that matter, straight to your inbox.

Breaking news, a daily digest at 7:00 AM, or a Sunday round-up. English, Filipino, or both. Unsubscribe anytime.