Opinion

ILUSYON NG DISKARTE

May mga kwento na dati’y bulong-bulong lang, mga pangako na hindi natin sana ilantad para walang mapapako––pero mayroon nang mga kwento mas ipinapakita sa mata ng publiko, at mga pangako na hindi lahat ay para sa…

· 2 min read

ILUSYON NG DISKARTE

May mga kwento na dati’y bulong-bulong lang, mga pangako na hindi natin sana ilantad para walang mapapako––pero mayroon nang mga kwento mas ipinapakita sa mata ng publiko, at mga pangako na hindi lahat ay para sa kanilang edad bagkus sa panahon ngayon, bakit mas tinatanggap nila ito?

Marami nang post sa social media at ulat mula sa lokal na organisasyon ang nagbabahagi ng karanasan ng mga menor de edad na nakikipaglapit-loob sa dayuhan, lalo na sa mga lugar na dinadayo ng turista tulad ng Siargao. Ayon sa mga datos mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ilang non-government organizations (NGOs) na nakatuon sa proteksyon ng mga kabataan, may mga naitalang insidente kung saan ang mga bata ay nasasangkot sa sitwasyon na maaaring magdulot ng panganib, kabilang ang exploitation at human trafficking. Hindi na ito itinatago––sa halip, para bang isa na itong bagay na maaari nilang ipagmalaki o gawing inspirasyon.

“Madadala ka na niyan sa snow!” ang dating kabiruan ay isa na itong ginagawa na tila isang pangarap na makaahon sa kahirapan. Para sa iba, maaaring oportunidad ito para mabilis gumaan ang buhay nila. Sa konteksto ng kahirapan at kakulangan ng oportunidad, madaling mahikayat ang kabataan sa ganitong paniniwala.

Ayon sa iba’t ibang ulat mula sa mga organisasyon na nakatuon sa proteksyon ng kabataan, ang ganitong sitwasyon ay maaaring malapit sa kanila sa mas malalim na kapahamakan katulad ng exploitation at human trafficking––lalo na kapag menor de edad ang nasasangkot. Sa mga mata ng mga kabataang sumasabay sa alon ng kahirapan, isa itong pangmadaliang kaperahan, ngunit hindi ibig sabihin ay simpleng pagkakakitaan ito, kundi isang mapanganib na ilusyon.

Kung titigan nang mas mabuti, may kakaibang bigat ang mga salitang ito dahil unti unti niyang binabago kung ano ang dapat nating ikabahala at ginagawa na iyong “diskarte sa buhay.” Sa ganitong naratibo, ang kahirapan ay nagiging pagtulak nila sa pagpunta sa isang madiskarteng ilusyon, isang pangako na hindi dapat inaasahan, at isang mapanganib na inspirasyon. Ang pagiging bata––na dapat sana’y pinoprotektahan––ay nagiging puhunan.

Marahil, dito na rin nagsisimula ang mas tahimik na problema, Hindi lang sa mga nangyayari, kundi sa paraan ng pagtanggap ng masa nito. Sa bawat biro, kwento, at pagtingin na parang wala lang ay unti-unti na itong nagiging bahagi ng normal. Isang kolektibong katahimikan na mas mabigat pa kaysa sa anumang pagtutol.

Dahil sa huli, hindi sapat na sabihin na “ganito na talaga ang realidad” o “dapat maging madiskarte.” Sapagkat ang realidad na hindi kinukuwestiyon ay unti-unting nagiging diskarte sa mga mata nila. Ngunit ang pagiging madiskarte ay hindi dapat maging kapalit ng kapahamakan ng isang bata.

How did this story make you feel?

Be the first to react · no sign-in needed

Comments

Be civil. Read the Comment Guidelines.

Comments are reviewed by moderators. No account needed for now; sign-in arrives with the reader accounts update.

Loading comments…

More from Opinion

Filipino

HAYOP KA

Almira Cereno (Miracle) · Apr 12, 2026 · 2 min

When Holidays Become Products

nate · Apr 12, 2026 · 3 min

Bare Minimum, Maximum Kilig?

Judge David P. Asuncion (Honorable Perjury) · Apr 11, 2026 · 5 min

Email news

Get the stories that matter, straight to your inbox.

Breaking news, a daily digest at 7:00 AM, or a Sunday round-up. English, Filipino, or both. Unsubscribe anytime.