News

DOJ: Hindi inaresto si Co, liberty restrained

Nilinaw ng Department of Justice (DOJ) na hindi teknikal na “inaresto” si dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co sa Czech Republic, sa kabila ng mga naunang ulat na siya ay nahuli at nasa kustodiya ng mga awtoridad. Ayon kay…

· 1 min read

DOJ: Hindi inaresto si Co, liberty restrained

Nilinaw ng Department of Justice (DOJ) na hindi teknikal na “inaresto” si dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co sa Czech Republic, sa kabila ng mga naunang ulat na siya ay nahuli at nasa kustodiya ng mga awtoridad.

Ayon kay DOJ spokesperson Polo Martinez, “Arrest has a legal technical definition,” at hindi ito maituturing sa kaso ni Co dahil walang umiiral na warrant laban sa kanya sa naturang bansa.

Gayunman, kinumpirma ng DOJ na napigilan si Co sa hangganan ng Germany matapos pumasok mula Czech Republic at nananatili sa ilalim ng hurisdiksyon ng mga awtoridad doon.

“We do not know yet the specific details of the intervention conducted on his person there,” ayon pa kay Martinez, habang inihalintulad niya ang sitwasyon sa isang pasaherong hindi pinayagang makapasok sa isang bansa.

Sa kabila nito, nauna nang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nahuli na si Co at nasa kustodiya sa Prague matapos umanong pumasok nang walang sapat na dokumento.

Samantala, ayon kay Jonvic Remulla, kasalukuyang isinasagawa ang mga hakbang para sa deportation ni Co. Nagtungo naman si Justice Secretary Fredderick Vida sa Prague upang makipag-ugnayan para sa kanyang pagbabalik sa bansa.

Haharap sa mga warrant of arrest si Co kaugnay ng bilyon-bilyong pisong flood control scandal at itinuturing na pugante mula pa noong Disyembre 2025.

How did this story make you feel?

Be the first to react · no sign-in needed

Comments

Be civil. Read the Comment Guidelines.

Comments are reviewed by moderators. No account needed for now; sign-in arrives with the reader accounts update.

Loading comments…

More from News

DA seeks P30 billion supplemental boost to avert food crisis

Czairine Quimoyog · Apr 27, 2026 · 2 min

Email news

Get the stories that matter, straight to your inbox.

Breaking news, a daily digest at 7:00 AM, or a Sunday round-up. English, Filipino, or both. Unsubscribe anytime.