Sports

Yulo naghari sa men's vault; sinikwat ang gintong medalya sa World Champion

Nagpakitang gilas muli ang two-time Olympic Medalist na si Carlos Yulo matapos sungkitin ang gintong medalya sa 2025 Men's Vault Artistic Gymnastics World Championships, na ginanap sa Jakarta, Indonesia nitong Sabado.

· 1 min read

Yulo naghari sa men's vault; sinikwat ang gintong medalya sa World Champion
Nagpakitang gilas muli ang two-time Olympic Medalist na si Carlos Yulo matapos sungkitin ang gintong medalya sa 2025 Men's Vault Artistic Gymnastics World Championships, na ginanap sa Jakarta, Indonesia nitong Sabado. Dumispatsa si Yulo ng mataas na 15.200 na puntos sa unang vault matapos ang halos perpektong pagsasagawa ng isang piked Dragulescu upang magkaroon ng .100 na bonus. Pumoste si Yulo sa ikalawang vault handspring 2.5 twist na nakakuha ng 14.533 na puntos upang masungkit ang 14.866 na average at makamit ang ginto. Sa kabilang banda, sinundan ni Arthur Davtyan ng Armenia ng 14.833 na puntos sapat upang makuha ang pilak na medalya. Lumusot si Ukranian Nazar Chepurnyi at tinipa ang tansong medalya sa 14.483 na puntos. Binulsa ni Yulo ang dalawang Olympic Gold sa nakaraang Paris Olympics, tig-isa sa vault at floor exercise, at ngayon muling bumalandra si Yulo ng isang ginto sa vault at isang tanso sa floor exercise. "I'm beyond grateful and thankful, Lord, for all the challenges You've allowed me to experience... for blessing me with this kind of talent to share with the world,” ani Yulo. Gayunpaman, ayon sa ulat, hindi sasali si Yulo sa susunod na kompetisyon upang makapagpahinga mula sa kaniyang injury at upang bigyang dayan ang ibang gymnast na magpakitang gilas. "I will give it to my teammates. They can win the apparatus. They can win one." wika ni Carlos Yulo kay Cynthia Carrion, presidente ng Gymnastics Association of the Philippines (GAP) sa kanilang pag-uusap. Dahil sa husay at determinasyon muling nakamit ni Yulo ang gintong medalya dala ang bandera at lakas ng isang atletang Pilipino.

How did this story make you feel?

Be the first to react · no sign-in needed

Comments

Be civil. Read the Comment Guidelines.

Comments are reviewed by moderators. No account needed for now; sign-in arrives with the reader accounts update.

Loading comments…

More from Sports

PH Pride Yulo dazzles, snags bronze at World Championships

Francis Owen Romano · Oct 27, 2025 · 2 min

Email news

Get the stories that matter, straight to your inbox.

Breaking news, a daily digest at 7:00 AM, or a Sunday round-up. English, Filipino, or both. Unsubscribe anytime.