Sports

Letran pinatalsik ang Perpetual; unbeaten title sa NCAA women’s vball, pinagtibay

Nanatiling malinis ang kartada ng Colegio de San Juan de Letran matapos talunin ang University of Perpetual Help gamit ang three-set sweep (25-18, 25-21, 25-14) sa NCAA Season 101 women’s volleyball upang mapahalagahan…

· 1 min read

Letran pinatalsik ang Perpetual; unbeaten title sa NCAA women’s vball, pinagtibay

Nanatiling malinis ang kartada ng Colegio de San Juan de Letran matapos talunin ang University of Perpetual Help gamit ang three-set sweep (25-18, 25-21, 25-14) sa NCAA Season 101 women’s volleyball upang mapahalagahan ang 5-0 win rate sa San Andres Gym nitong Martes, Pebrero 10.

Pinangunahan ni Marie Judiel Nitura ang Lady Knights sa pamamagitan ng 16 puntos mula sa 12 attacks, dalawang blocks, at dalawang aces kasama si Sheena Vanessa Sarie na nagtala rin ng 16 puntos.

Mabilis na nagbukas ang Lady Knights sa pamamagitan ng matibay na depensa at epektibong blocking nina Marie Judiel Nitura at Gia Maquilang para makamit ang 25-18 iskor at maibulsa ang sa unang set.

Sa ikalawang set, nagkaroon ng dikit na palitan ng puntos ang labanan, ngunit nagpakita ng clutch plays si Sheena Vanessa Sarie ng Lady Knights upang makamit ang 25-21 puntos at matiyak ang panalo.

Bumagsak ang depensa ng Lady Altas sa ikatlong set habang tuloy-tuloy ang service aces ng Letran upang mapahirapan ang Perpetual at magtulak sa kanila sa dominanteng pagtatapos sa iskor na 25-14.

Dahil sa panalong ito, inaasahan ang Lady Knights na makaharap ang mga natitirang kalaban sa kabilang grupo.

How did this story make you feel?

Be the first to react · no sign-in needed

Comments

Be civil. Read the Comment Guidelines.

Comments are reviewed by moderators. No account needed for now; sign-in arrives with the reader accounts update.

Loading comments…

More from Sports

Sports Feature

Skating on a Pinky Swear

JB Nitura · Feb 17, 2026 · 1 min

Email news

Get the stories that matter, straight to your inbox.

Breaking news, a daily digest at 7:00 AM, or a Sunday round-up. English, Filipino, or both. Unsubscribe anytime.