Sports

ISPORTS l Kukuys sinupil ang Execration, namayagpag sa Predator League 2026

‎Sa isang matinding bakbakan na umabot ng limang laro, nagpakitang gilas ang Kukuys matapos na hugutin ang 3-2 sa grand finals laban sa powerhouse team Execration upang masungkit ang kampeonato sa Asia Pacific Predator…

· 1 min read

ISPORTS l Kukuys sinupil ang Execration, namayagpag sa Predator League 2026

‎Sa isang matinding bakbakan na umabot ng limang laro, nagpakitang gilas ang Kukuys matapos na hugutin ang 3-2 sa grand finals laban sa powerhouse team Execration upang masungkit ang kampeonato sa Asia Pacific Predator League 2026 na naganap sa SM North Edsa, Quezon City, Nobyembre 25, 2025.

Matapos koronahan, inuwi ng koponan ang lion's share na may halagang ₱200,000, at pinagtibay nila ang kanilang panalo na nagsasabi na kaya pa rin nilang lumaban at umangat hindi lamang sa lokal na eksena.

"Masaya ako kasi 'yung apat na player, lumaban hanggang dulo," sabi ni Carlo “Kuku“ Palad matapos purihin ang kaniyang kasama sa koponan.

Nakakuha pa rin ang Execration ng ₱120,000 matapos masungkit ang ikalawang pwesto. 

Sinundan naman nito ng Team Nemesis at InterActive Philippines na nakakuha ng tig-₱50,000 matapos sungkitin ang ikatlong pwesto at magwagi sa laban para sa bronze medal.

Ang tatlong koponan na Kukuys, Execration at Team Nemesis ang magiging kinatawan ng Pilipinas para sa Asia Pacific Predator League 2026, ito ay gaganapin sa sa India sa Enero.

How did this story make you feel?

Be the first to react · no sign-in needed

Comments

Be civil. Read the Comment Guidelines.

Comments are reviewed by moderators. No account needed for now; sign-in arrives with the reader accounts update.

Loading comments…

More from Sports

THE NEXT YULO: Carlos Sees Olympic Potential in Brother Eldrew

Harvey Padua · Nov 30, 2025 · 2 min

La Salle, kakabig para sa Final Four; Ateneo, reresbak para sa two-way playoff

Kurt Pagsibigan · Dec 2, 2025 · 2 min

Email news

Get the stories that matter, straight to your inbox.

Breaking news, a daily digest at 7:00 AM, or a Sunday round-up. English, Filipino, or both. Unsubscribe anytime.