News

DOF: Pilipinas, may kapasidad pa ring mangutang sa kabila ng record-high debt

‎Iginiit ng Department of Finance (DOF) na nananatiling matatag ang kalagayang pinansyal ng Pilipinas sa kabila ng patuloy na pagtaas ng utang ng bansa. ‎ ‎“The Philippines stands in a good fiscal position and has room…

· 1 min read

DOF: Pilipinas, may kapasidad pa ring mangutang sa kabila ng record-high debt

‎Iginiit ng Department of Finance (DOF) na nananatiling matatag ang kalagayang pinansyal ng Pilipinas sa kabila ng patuloy na pagtaas ng utang ng bansa.

‎“The Philippines stands in a good fiscal position and has room to leverage if it needs to,” pahayag ni Finance Secretary Frederick D. Go sa 2026 Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)-European Union (EU) Sustainability Forum sa Lapu-Lapu City, Cebu noong Huwebes, Mayo 8.

‎Ayon kay Go, nananatiling matatag ang macroeconomic fundamentals ng bansa at patuloy pa ring hawak ng Pilipinas ang investment-grade credit ratings nito.

‎Binigyang-diin ng DOF na may kakayahan pa ring umutang ang pamahalaan kahit umabot na sa record-high ang national government debt.

‎Umabot sa ₱18.49 trilyon ang national government debt ng bansa noong Marso 2026—dagdag mula sa ₱15.89 trilyon noong parehong buwan ng nakaraang taon dahil sa patuloy na paghiram ng gobyerno para pondohan ang mga programa at proyekto, pati na rin ang mga bayarin sa pandemya.

Ayon kay Reyes Tacandong & Co. senior adviser Jonathan Ravelas, umabot na sa 65.2% ang debt-to-GDP ratio ng Pilipinas, ang pinakamataas sa dalawang dekada. Sinabi niyang “manageable” pa ito dahil mas mababa sa 70% threshold ng World Bank, ngunit nasa “caution zone” na dahil mas mabilis ang paglaki ng utang kumpara sa ekonomiya.

‎‎

‎Nagbabala naman ang ilang ekonomista na maaaring magdulot ng dagdag na hamon sa ekonomiya ang tensyon sa Middle East dahil sa posibleng pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

‎Samantala, binago ng Fitch Ratings ang outlook nito sa investment-grade status ng Pilipinas mula “stable” tungo sa “negative” dahil sa bumabagal na pamumuhunan at mga panganib mula sa pandaigdigang krisis.

‎Patuloy namang sinusubaybayan ng pamahalaan ang kalagayan ng ekonomiya upang mapanatili ang katatagan ng pondo ng bansa sa gitna ng pandaigdigang hamon.

How did this story make you feel?

Be the first to react · no sign-in needed

Comments

Be civil. Read the Comment Guidelines.

Comments are reviewed by moderators. No account needed for now; sign-in arrives with the reader accounts update.

Loading comments…

More from News

PH debt climbs to P18.49T as peso weakens

Czairine Quimoyog · May 9, 2026 · 1 min

Manila ranks 3rd in global luxury housing index

Ericko Malimban · May 6, 2026 · 1 min

Ilang parte ng Mindanao, binaha sa kabila ng mainit na panahon

Doreen P. Cabildo · May 6, 2026 · 1 min

Email news

Get the stories that matter, straight to your inbox.

Breaking news, a daily digest at 7:00 AM, or a Sunday round-up. English, Filipino, or both. Unsubscribe anytime.